Una sa Balita

Duterte marami pang sisibakin sa corruption

By
0 466

ASAHAN na mas marami pang masisibak na mga opisyal sa ehekutibo kapag hindi nagtino at umayos ang mga ito.

Inihayag ito ni Pangulong ­Rodrigo Duterte sa harap ng lalo pang pinalakas na kampanya ng gobyerno kontra katiwalian.

Sinabi ng Presidente na ­hindi niya kailanman masisikmura ang korapsiyon kaya’t kahit pa kaibigan niya ang ­masangkot ay hindi ito sasantuhin ­dahil talagang sisibakin niya ang mga ito.

“Hindi ko talaga masik­mura ‘yan. You do it and it’s goodbye. And it has come to pass, talagang ganu’n ang nangyari. And there will be more if they do not behave in the Executive department,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na ­marami siyang kaibigan sa ga­bi­nete at ibang mga ahensiya ang pinatalsik niya dahil hindi nakinig sa pakiusap nito noong kinukum­binsi pa siya na tumakbo sa ­pagka-Presidente.

“Ilang Cabinet members na. All of them were my friends. All of them worked for my election as president. All of them spent sleepless nights. Kaya pagdating doon sa Cabinet, sabi ko, ‘I ­welcome all of you but ito lang ang ­hingiin ko, huwag lang sa corruption,’” dagdag pa ng Pangulo. ­