Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte: Marami pang mamamatay sa COVID

0 102

Asahan na marami pang mamamatay sa COVID-19 infection dahil na rin sa kakapusan ng suplay ng bakuna.

Sinabi ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang `Talk to the People’ Huwebes ng gabi kung saan inihayag din nito na matatagalan pa ang pandemya habang wala pang sapat na suplay ng bakuna.

“Now ngayon hintay tayo nang hintay. Itong vaccine na itong pinag-usapan natin ganito, wala sana ito [COVID-19) kung mayroong vaccine available. Eh wala. Hanggang ngayon the word “unavailable” is nandiyan. Unavailable because these are not – there’s no sufficient supply to inoculate the world,” sabi ng Pangulo.

“Matagal pa ito. Sabihin ko sa iyo marami pang mamamatay dito. Hindi ko lang maturo kung sino,” aniya pa.

SM food to go Banner Ad

Kaugnay nito, kinalma ng Pangulo ang publiko at sinabihang hindi dapat maalarma sa ulat na nagkakaubusan na ng hospital bed dahil sa dami ng mga tinatamaan ng virus sa bansa.

“Kayong mga kababayan ko, huwag kayong matakot diyan sa ano. Hindi naman tayo walang-wala eh. We are not really at a total loss of what to do. We know what to do,” anang Pangulo.

Marami lang aniyang maiingay sa isyu ng COVID-19 pero walang panahon ang gobyerno na makinig dahil abala ang lahat sa pagtugon sa pandemya.

“Baka sabihin ninyo baka wala na nga talagang solusyon ito. Meron ho. Government is busy doing everything, not nothing. The government is trying to get the things to fix all of us, iyong mga bagay ngayon [bakuna], nandiyan pero wala sa ating mga kamay,” dagdag ng Pangulo.(Aileen Taliping/Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.