Una sa Balita

Duterte magrereperi sa away budget sa Kongreso

By
0 527

POSIBLENG mamagitan si Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi pagkakaintindihan ng dalawang kapulungan ng Kongreso sa isyu ng 2019 national budget.

Sa harap ito ng banta ni Senate President Vicente Sotto III na hindi niya pipirmahan ang enrolled bill hangga’t hindi inaalis ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang umano’y P95 milyon na isiningit sa pambansang budget.

Ayon kay Panelo hanggat maaari ay ayaw ng Presidente na nakikialam sa trabaho ng lehislatibo pero kung maho-hostage ang pambansang budget hangang sa buwan ng Agosto, hanggang sa matapos ang termino ni Speaker Arroyo ay baka hikayatin niya ang mga ito na mag-ayos para hindi makompromiso ang pambansang budget.

“Siguro—kung I will have my educated guess—the President will persuade para matapos na iyang ano nila, kung anuman. But knowing members of Congress, they always naman agree eventually, ‘di ba?,” ani Pangulo.

Umaasa ang kalihim na magkakasundo rina ng mga senador at kongresista dahil hanggat maaari ay ayaw ng Malacañang ang paggamit ng re-enac­ted budget dahil apektado ang pondong inilaan sa major infrastructure pro­jects na nakapaloob sa Build Progarm.

Hanggang ngayon ay patuloy na hostage ng Kongreso ang P3.757 tril­yon 2019 national budget.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More