Una sa Balita

Duterte maglilibot sa mga binayo ni Ompong

By
0 251

NAKATAKDANG magli­bot si Pangulong Rodrigo Duterte ano mang oras sa mga sinalanta ng bagyong ‘Ompong’ sa Northern Luzon para personal na makita ang kalagayan ng mga biktima ng kalamidad.

Ayon sa Palasyo, hinihintay na lamang ng Pangulo ang go signal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) para makita ang mga lugar na pinakama­tinding hinagupit ng bagyong Ompong.

Nakatutok umano ang Pangulo sa pagmo-monitor sa epekto ng bagyo kaya tuloy-tuloy ang pagbibigay nito ng direktiba sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para alalayan ang mga biktima ng kalamidad.

Kabilang umano sa mga pinatututukan ni Pangulong Duterte ang pinsala ng bagyo sa agrikultura, imprastraktura, kuryente at komunikasyon at sikaping maibalik agad sa normal ang mga pangunahing serbisyo.

Hinihintay din ng Pangulo ang kabuuang report ng halaga ng pinsala sa agrikultura, mga ari-arian, at mga tulay at kalsadang nasira ng bagyong Ompong.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy