Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Duterte magic’ pagaganahin sa China bakuna

0 176

Malaking bentahe kung magpapabakuna sa publiko si Pangulo Rodrigo Duterte para maalis ang pagdududa at agam-agam ng mga tao sa gagamiting bakuna kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa Laging Handa press briefing kasunod ng survey na mababa ang bilang ng mga Pilipinong nais na magbakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Galvez, mataas ang popularity rating g Presidente at kapag siya ang unang nagpaturok ay tiyak na mapapawi ang agam-agam ng publiko .

“Maganda po yun, alam natin na ang popularity survey ng Pangulo ay 91% at ang nakikita namin yung tiwala ng publiko sa vaccine ay tataas po,” ani Galvez.

SM food to go Banner Ad

Hhintayin aniya nila kung ano ang irekomenda ng mga doctor ni Pangulong Duterte na iturok sa kanya na bakuna dahil pare-pareho naman ang epekto at benepisyo ng mga ito para sa mga matatanda at may mga kumplikadong sakit.

“Sinasabi po ni Presidente, kahit anong vaccine ang mauna willing siya even yung Gamaleya at Sinovac ay magbo-volunteer siya na siya ang maunang ma-vaccinate,”dagdag ni Galvez.

Kasabay nito nanawagan ang vaccine czar sa publiko na tanggalin ang diskirminasyon sa ibang vaccines gaya ng gawa mula sa China dahil ginagamit na aniya ito ng mga mauunlad na bansa .

“Dapat po tanggalin natin yung diskriminasyon sa ibang vaccine kasi nakita nga natin, ginamit na nga ng Singapore, ginamit na ng Malaysia,Turkey at Argentina, bakit di natin gamitin eh mga advance country pa ito sa atin,” wika ni Galvez.(Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.