Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte lumambot sa imported baboy tapyas buwis

0 62

Posible pakinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng mga senador na bawiin ang inilabas na Executive Order (EO) 128 na nagpapababa sa taripa ng karneng baboy.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinakikinggan ng Pangulo ang lahat ng mayroong concerns lalo na kung may kinalaman ito sa kapakanan ng publiko.

Bumaba nga aniya ang taripa sa karne ng baboy pero hindi naman bumababa ang presyo nito kapag ibinebenta na sa palengke.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa tingin ko naman po makikinig ang Presidente sa ating mga senador dahil pinakikinggan naman po ang lahat,” ani Roque.

Nauna rito napaulat na magsasama-sama umano ang mga senador para hilingin kay Pangulong Duterte na bawiin ang inilabas na EO dahil kahit mababa na ang taripa sa importasyon ng karne ng baboy ay hindi naman halos nagbabago ang presyo nito sa pamilihan.

Nagkaroon ng kakapusan ng supply ng karne ng baboy sa Metro Manila dahil karamihan sa mga alagang baboy ay tinamaan ng African Swine Fever. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.