Duterte: Lulusot ako sa mga kaso ng EJK

KUMPIYANSA si Pangulong Rodrigo Duterte na mapapawalang-saysay ang mga ibinabato sa kanyang kasong may kaugnayan sa extrajudicial killing o EJK.
Aminado rin itong hindi siya perpekto gayundin ang kanyang gobyerno.
“The government isn’t perfect. I’m not perfect either. Faults? Me? Plenty but I don’t steal money. I only have cases about extrajudicial killings. I’m trying to preserve my country,” anang Pangulo.
Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa isang dinaluhang aktbidad sa Cagayan de Oro Cito nitong Biyernes.
Ayon sa Pangulo, marami siyang pagkukulang subalit hindi siya tiwali at hindi nagnanakaw ng pera ng bayan.
Ang nais lamang aniya ng Pangulo ay maprotektahan ang bansa laban sa mga gustong sumira at magpabagsak nito at hindi niya papayagang magtagumpay ang sino mang nais na wasakin ang gobyerno.
Hindi aniya siya kailangan pangaralan ng kahit sinuman dahil mahal niya ang bansa at wala siyang balak na mangibang bansa hindi tulad ng iba na nanirahan sa Amerika. (Aileen Taliping)