Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte limitado bisita sa Palasyo,Davao – Andanar

0 390

DAHIL sa COVID-19 , limitado ang pagtanggap ng mga panauhin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng Malacañang at sa Davao, ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.

Sa panayam kahapon ng ‘Patrolya Probinsya’ sa Abante Radyo Tabloidista, sinabi ni Andanar na karamihan sa mga cabinet member ng Pangulo na hindi nakakadalo sa Palasyo ay sa virtual meeting ginagawa.

“Because of technology, tayo naman ay nakakapagtrabaho mula sa virtual meeting ng Pangulo,” ani Andanar.

Ayon kay Andanar wala namang problema sa virtual meeting sa Malacañang dahil halos lahat ay nakakadalo sa mga pagtitipon. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.