Una sa Balita

Duterte legacy: Matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa Pilipino

0 393

Kabilang tayo sa nagbigay ng talumpati sa matagumpay na paglulunsad ng Duterte Legacy ­Campaign na ­ginanap nitong Biyernes sa Philippine ­international Convention Center sa ­Pasay City.

Ang pagtitipong nabanggit ay dinaluhan ng mga direktang benepisyaryo mula sa iba’t ibang lalawigan upang ibahagi ang kanilang nakapupukaw at magagandang kwento – na nagsilbing mga buhay na saksi sa tunay na pagbabago sa ating bansa. Ating binigyang-diin na kayang iparamdam at ipakita sa marami nating mga kababayan ang pagbabagong ito.

Ang ating Pangulo, sampu ng kanyang Gabinete, ay puspusang nagtatrabaho simula sa unang araw pa lamang upang maisakatuparan ang Tunay na Pagbabago na naka-angkla sa ating Inclusive Growth Agenda upang ating masiguro na wala ni isa man sa ating mga kababayan ang mapag iiwanan.

Pagbawas sa ­kahirapan. Paglikha ng apat na ­milyong ­trabaho. Infrastructure development. Pagtatag ng Bagong Bangsamoro. Ilan lamang ito sa mga kahanga-­hangang nakamit ng gobyerno sa ilalim ng pangasiwaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang tatlong taon sa panguluhan.

Ang mga tagumpay na ito at iba pang mga naisakatuparan ng administrasyon sa peace and order at social ­services ang bumandera sa sa ­paglulunsad ng “Duterte Legacy” campaign. Ang kampanyang ito ay inisyatibo ng Presidential Communications Operations Office upang ipabatid sa karaniwang Pilipino ang ating mga nagawa.

Seryoso at tapat ang kasalukuyang ng administrasyon sa pangako nitong “Malasakit, Pagbabago and Patuloy na Pag-unlad” kung saan matatamasa ng bawat Pilipino ang matatag, maginhawa at panatag na buhay.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga Pilipino na kabi-kabila ang mga ipinatutupad na Build Build Build infrastructure projects ng pamahalaan na kinabibilangan ng mga kalsada, railways, tulay, paliparan, at irrigation systems kung saan ang mga proyektong ito ay patuloy na nakakapaglikha ng maraming trabaho at hanapbuhay.

Sinisikap din ng adminis­trasyon nitong mga nakalipas na taon na maibigay at mapabuti ang access sa de kalidad at abot ka­yang edukasyon, serbisyong pangkalusugan, libreng matrikula, at iba pang mga social services na direktang pinakikinabangan ng Ating mga kababayan.

Sa mahigit tatlong taon ng Pangulo sa kanyang termino ay kitang-kita naman natin ang positibong pagbabago na hatid ng kanyang dedikasyon sxa sinumpaang pangako. Patuloy po tayong magtulungan, magtrabaho at suportahan ang ating pangulo upang sama-sama po nating makakamtan ang matatag, maginhawa at panatag na buhay para sa bawat Pilipino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More