Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte kinalampag sa Marawi Compensation Bill

0 299

Muling kinalampag ni Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman si Pangulong Duterte na sertipikahan bilang urgent ang Marawi Compensation Bill na nananatiling nakabinbin sa Kamara.

“Dapat maipasa na natin itong Marawi Compensation Bill, para naman may dignidad na ang mga kababayan nating taga-Marawi sa kanilang pag-uwi sa kanilang bayan at sa kanilang pagbangon mula sa pagkakalugmok sa hirap,” apela ni Hataman.

Apat na taon umano simula nang mangyari ang Marawi siege at matagal na panahon na ang hinintay ng mga naging biktima ng naturang kaguluhan para muling makabalik sa lugar.

“The President will be leaving a lasting legacy if he decides to certify the measure as urgent. Tinitingala po kayo bilang ama ng ating bansa, na kapwa taga-Mindanao at may dugo pang Moro. Sana ay matulungan ang ating mga kababayan sa Marawi,” ayon pa kay Hataman. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.