Una sa Balita

Duterte kay Robredo: ‘Pag ikaw presidente, patay

0 398

IKINATATAKOT ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging presidente ng Pilipinas si Vice-President Leni Robredo dahil malilintikan ang bansa bunga ng mga sablay na interpretasyon nito ng batas.

Ito ang naging patutsada ni Duterte matapos punahin ni Robredo noong Agosto ang pahayag ng Pangulo na hindi makakasuhan ng bribery ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na tumanggap ng regalong pagkain.

Sa kanyang talumpati sa Malacañang nitong Martes nang gabi, sinabi ng Pangulo na ang kanyang mga pahayag tungkol sa pagtanggap ng re­galo ay sang-ayon sa nilalaman ng probisyon ng Anti-graft and Corrupt Practices Act.

Aniya, bago dapat magkomento si Robredo ay magbasa muna ito tungkol sa batas.

“Tapos si Leni talaga kasi illegal and unconstitutional. Hay. Sabi ko ma’am kung ikaw ang presidente ng Pilipinas, patay. You do not even read a book” patutsada ni Duterte.

Hindi na umano nagtataka ang Pangulo kung hirap makaintindi ng batas si Robredo dahil dalawang beses itong kumuha ng bar exam. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy