Una sa Balita

Duterte kay Loot: Inambus kita buhay ka pa rin!

0 339

NADULAS sa isang talumpati nitong Martes nang gabi si Pa­ngulong Rodrigo Duterte na siya umano ang nagpa-ambush kay dating Daanbantayan mayor Vicente Loot.

Si Loot, dating police general, ay inakusahan ni Pangulong Duterte na protektor ng drug lord at sindikato sa bansa.

“Pumasok na talaga ang narco state. Mga mayor. Mayor Mabilog ng… General Loot. P**** i** mo nanalo pa ng barangay — mayor. Inambus (ambush) kita animal ka, buhay pa rin. General-general mo. P*****,” diin ng Pangulo.

“Pag-aral mo sa PMA gastos ng gobyerno. Tapos kayong mga unggoy kayo sinisira ninyo ang bayan. That’s why I said I am — if I was up against government. And so I had to say ang kalaban ko talaga — little did I realize that I was up against my own government,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang taon, tinambangan si Loot at ang kanyang pamilya sa pantalan ng Daanbantayan kung saan nakaligtas ito. Noong Disyembre 2018, itinanggi ni Pangulong Duterte na may kinalaman siya sa ambush saka itinuro si dating Interior Secretary Mar Roxas sa nasabing insidente.

Nagpaliwanag naman si Presidential Spokesman Salvador Panelo nitong Miyerkoles na hindi inamin ni Pangulong Duterte ang pananambang kay Loot.

Ayon kay Panelo, hindi matatas ang Pangulo sa tagalog kaya sa salitang bisaya nito ginamit ang salita laban kay Loot kaya iba ang naging kahulugan nito.

“Inambus kita buhay ka pa”, is uttered by a Bisaya President who is not a proficient in Pilipino the vernacular language used in the capital city of Manila and in most areas in Luzon,” ani Panelo.

Binigyang-linaw ni Panelo na hindi iniutos ni Pangulong Duterte ang pananambang kay Loot, at walang batayan para isiping siya ang nasa likod ng tangkang pagpatay kay Loot.

Binanggit naman ni Senador Bong Go na nagbibiro lamang ang Pangulo.

Sinabi naman ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na kahit nagbibiro o hindi si Pangulong Duterte, dapat na umanong maghanda ang mga bodyguard ni Loot.

“Joke or not, Mayor Loot would be better off minding his physical security 24/7,” ani Lacson. (Aileen Taliping/Prince Golez/Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy