Una sa Balita

Duterte kay Guevarra: Dangal ng DOJ ibalik

By
0 1,234

MAIKSI lamang ang marching order ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay bagong Justice Secretary Menardo Guevarra matapos ang mabilis na panunumpa kahapon kapalit nang nagbitiw na si dating­ Secretary Vitaliano Aguirre II.

Ayon kay Guevarra, sinabihan siya ng Pangu­lo na gawin lang ang tama para sa departamento at ibalik ang ‘dignified image’ ng DOJ.

Nagpasalamat naman si Guevarra sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte para pangasiwaan ang Department of Justice.

“I thank the President for his trust. his sole instruction to me: do what is right and bring back the DOJ’s dignified image,” maiksing pahayag ni Guevarra.

Sinabi ng bagong DOJ secretary na mananatili muna ito ng ilang araw sa Office of the President (OP) bago magsimula sa bagong trabaho sa DOJ.

Wala namang binanggit ang Palasyo­ kung bibigyan ba ng ibang puwesto sa gobyerno ang nagbitiw na si Aguirre.

Hindi rin masabi ng Palace officials kung ano ang matinding dahilan kaya nagbitiw sa puwesto si Aguirre.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy