Una sa Balita

Duterte kay Cusi: Bawasan ang paggamit ng coal

0 286

INATASAN ni Pangulong Rod­rigo Duterte si Energy Secretary Alfonso Cusi na bawasan ang paggamit ng coal sa power supply ng bansa.

Sa State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes nang hapon, sinabi ng Pa­ngulo na dapat ipokus ng Department of Energy (DOE) ang paggamit ng green energy upang mapa­ngalagaan ang ating kalikasan.

“We recognize the urgent need to ensure the sustaina­bility and availability of resources and the development of alternative ones,” saad ni Duterte.

“In this regard, I trust that Secretary Cusi shall fast-track also the development of renewable energy sources, and reduce dependence on the traditional energy sources such as coal,” dagdag ng Pangulo.

Sa mga nakaraang SONA ng Pangulo, ipinakita nito ang pagiging sensitibo sa isyu ng environment nang ipag-utos ang pagpapasara sa mga pasaway na mining company at ang isla ng Boracay upang sumailalim sa rehabilitasyon.

Nagbabala na ang Asian Development Bank (ADB) na ang Pilipinas ay posibleng maging coal-dependent country sa Southeast Asia pagsapit ng taong 2030 dahil inaasahang lolobo ang konsumo ng coal sa limang patong pagsapit ng 2040.

Sa kasalukuyan, 43 pors­yento ng energy production ng bansa ay ginagamitan ng coal at posibleng umakyat ito sa 50 percent pagsapit ng 2030 matapos aprubahan ni Cusi ang operasyon ng ilang coal plant simula noong 2016. Ang bansang Indonesia ang pinakamalaking kumonsumo ng coal ngayon sa rehiyon sa 52 percent pero babagsak ito ng 48 percent pagsapit ng 2030.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy