Una sa Balita

Duterte kakaiba, susunod na presidente ‘boring’ na – Ping

By
0 1,526

NANINIWALA si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na magiging ‘boring’ o hindi na kasabik-sabik ang panunungkulan ng susunod na presidente ng bansa na papalit sa puwesto ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Ito ay dahil sa mga kakaibang nagawa ni Duterte sa unang bahagi pa lamang ng kanyang administrasyon.

Ilan sa mga tinukoy ni Lacson ang pag-oobliga ni Pangulong Duterte sa business tycoon na Lucio Tan na magbayad ng P6 bilyong pagkakautang nito sa buwis sa pamahalaan.

Naobliga rin anya ng Pangulo ang mga Rufino at Prieto na bakantehin ang Mile Long property dahil sa hindi rin pagbabayad.

Maging ang Mighty Corporation anya ay nagbayad ng P30 bilyon habang ipinag-utos na rin ang pagpapasara sa isla ng Boracay para sa isaila­lim ito sa rehabilitasyon.

Bukod dito, tinukoy din ni Lacson na ang bawat nagreretirong pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ay itinatalaga ni Pangulong Duterte sa ibang kapaki-pakinabang na posisyon.

“He made a tycoon pay his P6B unpaid dues sans court order; he made the Rufinos and Prietos vacate the Mile Long property; he made Mighty Corp pay P30B; he is closing the entire Boracay island; he reappoints every retiring PNP/AFP chief. Whoever succeeds him will be bo­ring,” ayon pa kay Lacson.