Una sa Balita

Duterte inudyukan ang US na giyerahan ang China

0 377

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Amerika na pangunahan ang pagpapaputok sa China, sa halip na gatungan at udyukan ang Pilipinas na lumaban sa China.

Ginawa ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa isang dinaluhang aktibidad sa Alangalang, Leyte noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ng Pangulo na inuudyukan ng Amerika ang Pilipinas na harapin ang China sa isyu ng pinag-aagawang teritoryo subalit hindi aniya siya nasisiraan ng bait.

Kung gusto ng Amerika, sinabi ng Pangulo na dalhin nito ang lahat ng gamit pandigma nito at gawin ang unang pagpapaputok sa China.

“Ngayon sabi ko, dalhin mo ‘yang lahat ng eroplano mo, barko mo dito sa China, fire the first shot at nandito kami sa likod. Sige, laban tayo kung sinong mapulpog. Totoo. America,” anang Pangulo.

Umaasa ang Presidente na hindi gagawa ang China ng mga hakbang na ma­ging mitsa ng mas mala­lang sitwasyon sa South China Sea dahil hindi aniya mananalo ang Pilipinas kahit pa sabihing aalalay ang Amerika dahil sa RP-US mutual defense treaty.

“I hope that China would not overdo things also because there is always America pushing us, egging us. Tinitikoy tayo para..’sige, sige’ . Ginagawa akong bait. Anong tingin nyo sa Pilipino, wati (earthworm)?” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa Amerika pati na Pilipinas at Asya kapag nagkasubukan, pero hindi aniya siya papayag na malagay sa kompromiso ang mga Pilipino.

“Eh may panahin man talaga na mamamatay yung tao. But then what will happen to America? And what will happen to the Philippines and Asia? I really do not know. That’s geopolitics eh. Laro ng ano dito, pero hindi ako gago,” wika pa ng Pangulo. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy