Una sa Balita

Duterte, iniimpluwensyahan ang militar – Trillanes

By
0 1,401

INAKUSAHAN ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte ng panghihimok nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para mag-aklas at agawin ang kapangyarihan ng gobyerno.

Sinabi ni Trillanes na ito ang motibo umano ng Pangulo sa sinabing mas mabuting isang diktador ang mamuno sa bansa kaysa kay Robredo.

“Duterte is laying the groundwork for an extra-constitutional takeover. He is trying to influence the AFP (Armed Forces of the Philippines) leadership by romanticizing an autocratic rule,” sabi ni Trillanes.

Tinitiyak naman ng senador na hindi ito kakagatin ng hukbo.

“But it simply won’t work. The AFP knows right from wrong and will never give in to that,” ani Trillanes.

Idiniin ni Trillanes na kaya binabanatan ng Pangulo si VP Leni Robredo dahil alam na maaari siyang pagbayarin o kasuhan kapag pinalitan ito sa puwesto ng Vice President.

“Duterte is also demonizing VP Leni because he knows that in any scenario wherein there is a constitutional transition of power, he and his minions will surely be made accountable for their actions,” sabi ni Trillanes.