Una sa Balita

Duterte inabandona nina Marcos, Villar, Cayetano

By
0 25,299

Tanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag­lipat sa ibang partido ng mga politikong nasa Partido Demokratikong Pilipino-Laban (PDP-Laban).

Kasunod na rin ito ng pag-alis nina Senator Cynthia Villar, dating Senadora Pia Cayetano at Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa administration party at bumalik sa kanilang mother political party na Partido Nacionalista.

Sinabi ng Pangulo na kaya matabang ito at hindi masyadong umasa dahil alam na niya ang kalakaran sa politika.

“Just like now, nag-PDP lahat tapos ngayon mag-uwi… nagsipag-uwian sa mother unit nila. But earlier PDP,” anang Pangulo.

Sina Villar, Marcos at Cayetano ay palaging kasa-kasama sa mga aktibidad at biyahe ni Duterte sa ibang bansa at ipinapakilala at ikinakampanya sa mga Filipino community.

Pero sinabi ng Pa­ngulo na tanggap niya ang desisyon ng mga kaalyadong bumabalik sa kanilang mother unit dahil bahagi lamang aniya ito ng takbo ng buhay.

“Kaya ako masyado lukewarm ako because I know that it’s the vagaries of life,” anang Pa­ngulo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy