Duterte impeachment hindi susuportahan ng LP

By

Hindi papatulan ng Liberal Party (LP) ang alinmang impeachment complaint laban sa sinumang lider ng bansa.

Ito ang inanunsyo ni Deputy Speaker Miro Quimbo pagkatapos makipagpulong sa 15 kongresista na kaalyado ng LP sa Kamara.

Ayon kay Quimbo, ipinarating na rin nila kay Vice President Leni Robredo na pinuno ngayon ng LP na hindi nila susuportahan ang anumang impeachment move sa Kamara kasama na rito ang inihaing impeachmet complaint ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte.

Ipinaliwanag ni Quimbo na maraming usapinang dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa maubos ang panahon ng Kongreso para pag-usapan ang impeachment.

“For these very imperative reasons, the LP House majority caucus members present categorically took a position that we will not support any of the impeachment complaints filed against the leaders of the land,” ani Quimbo.

Sinabi pa ng mambabatas na mahahati lamang ang mga kongresista kung impeachment ang aatupagin sa halip na gumawa ng mga makabuluhang hakbang para sa interes ng taumbayan.


SHARE