Una sa Balita

Duterte hirap maghanap ng ‘honest’ PNP chief

0 484

PATULOY pa rin umanong nagha­hanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng ‘honest’ o tapat na tao na siyang mamumuno sa Philippine National Police (PNP), ayon kay Senador Christopher ‘Bong’ Go.

“Wala pa po. As of last night, magkasama po kami ng Pangulo, wala pa po siyang napipisil,” pahayag ni Go sa mga reporter matapos tanungin kung nakapili ng susunod ng PNP chief ang Pangulo.

“Talagang hirap na hirap ang ating Pangulong Duterte. Totoo ‘yung sinabi ni Pangulo. Naghahanap siya ng hones­t na magiging chief PNP,” saad nito.

Nauna nang nagsumite si Interior Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte ng pangalan ng tatlong police official para sa natu­rang puwesto.

Ang mga kandidato ay sina PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, deputy chief for operations Lieutenant Ge­neral Camilo Cascolan, at Chief of the Directorial Staff Major General Guillermo Eleazar.

Subalit ayon kay Go, hindi limitado sa tatlo ang pagpipilian ni Duterte.

Maari rin umanong pumili ang Pangu­lo ng one-star rank na hene­ral na posibleng maging PNP chief.

“Ibig sabihin ay posibleng lumabas diyan sa tatlo ang kanyang pipiliin,” ani Go.

Nagretiro na noong nakaraang Biyernes si dating PNP chief Oscar Albayalde. Si Albayalde ay napilitang magbitiw sa puwesto noong Oktubre matapos makaladkad sa ninja cops scandal. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy