Duterte hiniritan sa ‘endo’

By

Hiniling ni Sen. Joel Villanueva kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang urgent bill ang panukalang tuluyan nang wakasan ang labor contractualization o kilala sa tawag na “endo”.

Isa sa mga ipinangako ng Pangulo noong nangangampanya pa ang tuluyang wakasan ang Endo.

“We want the President to certify the Endo bill as urgent to expedite the passage of this bill. I specifically call on the President to certify as urgent Senate Bill No. 1116 or the … Endo Act, which provides for stricter regulation of the practice of contractualization,” ayon kay Villanueva, chairman ng Senate committee on labor.

Ayon sa senador, mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Kamara upang matiyak na mas madali nang ayusin ang mga probisyong hindi nila mapagkasunduan.

Aminado ang senador, na mahalaga at sensitibong usapin  ang naturang panukala kung kaya’t  kailangan nilang pag-aralan ito ng mabuti bago pa ilabas ang committee report.

“Rest assured that your Committee on Labor ay patuloy na magsusumikap na maitaguyod ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng makabuluhang batas na ito,” dagdag ni Villanueva.

SHARE