Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte hiniritan gastusan swab test ng ayaw pabakuna

0 139

Nirekomenda ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa Malacañang na sagutin ng gobyerno ang RT-PCR test kada linggo ng mga manggagawang ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

Subalit wala aniyang direktang sagot si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang panukala.

Sinabi ni Bello na binanggit niya noong Lunes sa Pangulo ang kahilingan ng mga manggagawang ayaw magpabakuna pero wala itong direktang tugon.

“Parang ang reaksiyon ng Presidente inclined siya kaya lang sabi niya `tingnan natin kung kaya’,” ani Bello.

Subalit nilinaw ng kalihim na ang rekomendasyon niya ay para sa mga manggagawa sa micro at small business. Bahala na aniya ang mga malalaking kompanya kung sasagutin ang swab test ng kanilang mga manggagawa o empleyado.

Ilang beses na rin nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Duterte dahil kahit marami na aniyang supply ng COVID vaccine sa bansa ay mayroon pa ring mga Pilipino na ayaw pabakuna. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.