Una sa Balita

Duterte hindi paduduro sa Kuwait Foreign Minister

By
0 2,792

Hindi natinag si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa naging reaksiyon ng gobyerno ng Kuwait sa mga inihayag nito laban sa kalupitan ng mga Kuwaiti sa mga inabuso at pinagmalupitang overseas Filipino workers.

Sa harap ito ng pagkondena ng Foreign Mi­nister ng Kuwait sa mga naging pahayag ng Pa­ngulo pati ang ipinatupad na total deployment ban ng mga OFW.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang balak bawiin ng Presidente ang mga sinabi nito laban sa mga Kuwaiti at kahit paulit-ulit pa siyang kondenahin ay hindi ito patitinag dahil ang isinaalang-alang aniya nito ay ang kapa­kanan at mapangalagaan ang kaligtasan ng mga Filipinong nagtatrabaho sa nabanggit na bansa.

“Well as I said, the Phi­lippine President has expressed his concern for the manner by which Filipino nationals are being treated in Kuwait. I have restated the obligation of the Kuwaiti government and that is to treat Filipino natio­nals in the same manner as it treats its own nationals. And of course, in terms of when there will be a breach of its international obligation, it must amount to an outrage, bad faith or willful neglect of duty,” ani Roque.

Sa kabila ng agam-agam na posibleng maapektuhan ang diplomatic relations ng Pilipinas at Kuwait dahil sa insidente, sinabi ni Roque na mayroong konsultasyon sa pagitan ng liderato ng Department of Foreign Affairs at ang Kuwaiti ambassador kaya’t hintayin aniya kung ano ang magiging resulta nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy