Una sa Balita

Duterte hindi nagmamadali sa pagpili ng bagong PNP chief

0 558

Tiniyak ng Malacañang na hindi maaapektuhan ang operasyon ng Philippine National Police (PNP) kahit wala pang bagong hepe ang organisasyon.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo upang kontrahin ang sentiyimento ni PNP spokesman Bernard Banac na limitado ang kapangyarihan ni Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, bilang PNP officer-in-charge (OIC), dahil hindi ito maaaring pumirma sa paggastos ng pondo.

“Yun ang kanyang pananaw. Pero kahit na wala pang permanente meron namang OIC at magaling yung OIC,” wika ni Panelo sa interview ng DZIQ.

Binanggit pa niya na masusing inaaral ng Pangulo ang pipiliin niyang PNP chief. “Ang isang Pangulo, bago mag appoint, pinag-iisipan ng maigi.”

Noong Biyernes ay opisyal nang nagretiro sa serbisyo si dating PNP chief Oscar Albayalde matapos itong mag-resign sa puwesto noong Oktubre nang makaladkad sa isyu ng ninja cops scandal. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More