Una sa Balita

Duterte hanggang 2022!

By
0 969

WALANG problema sa kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte at mala­kas ang kanyang pangangatawan.

Ito ang nagkakaisang ipinahayag ng dalawang miyembro ng kanyang gabinete makaraang matanong sa kundisyon ng Pa­ngulo dahil sa pahayag nito na pagod na siya at nais nang bumaba sa puwesto.

Sinabi ng dalawang gabinete na malakas ang Pangulo at maayos ang mental at pisikal na kundisyon at kaya nitong tapusin ang kanyang termino hanggang 2022.

Kaya lang umano napapagod si Pangulong Duterte ay dahil sa walang katapusang korapsiyon pati na rin ang problema sa iligal na droga at peace and order.

“Napakalakas pa ng Pangulo… Baka mas malakas pa ‘yan sa inyo. Mentally, physically napakalakas ng Pangulo. Kayang-kaya niyang tapusin ang kanyang termino,” ani Special Assistant to the President Bong Go.

Sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na aktibo ang Pangulo sa kanilang mga cabinet meeting, puno ng buhay at walang indikasyong may problema ito sa kalusugan.

“Every time I attend the Cabinet meetings of the President ‘no, ang masasabi ko lang, he is full of life, very active, very sharp and obviously, it does not suggest na parang may problema sa kanyang kalusugan. Ang masasabi lang natin, mukhang malakas si Presidente. At nakikita mo naman, he is almost everywhere all the time. ‘Di ba? So kami nga ang medyo parang nanghihina pa kung ti­tingnan ko bilang isang doktor ‘yung mga ibang miyembro ng Gabinete. Pero si Presidente, tuwid na tuwid ang tayo at kapag nagsasalita at nagbibigay ng kanyang mga utos ay talagang makikita mong masiglang-masigla,” ani Duque.

Sinabi pa ni Duque na hindi ito ang unang pagkakataon na nagsabi ang Pangulo na pagod na ito, at nababanggit lamang niya ito kapag nadidismaya sa ginagawang paglilinis sa korapsiyon, iligal na droga at pagtaas ng krimen.
“I think to me, it’s really just venting out, sometimes out of exhaustion, sometimes out of frustrations. You know, he expresses some of those frustrations even during the Cabinet meetings,” dagdag pa ni Duque. ­