Una sa Balita

Duterte ‘hands-off’ sa kaso ng pinsan

By
0 3,026

Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa kasong kinakaharap sa Sandiganbayan ng pinsan nitong si Danao City Mayor Ramonito Duterte Durano III.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na patunay ito na walang kamakamag-anak na dapat makalusot sa ano mang posibleng pananagutan sa batas.

Si Durano ay kinasuhan dahil sa umano’y paglabag sa administrative code na may kinalaman sa mga panuntunan sa Civil Service (CS) matapos mabigong ibalik ang mga empleyadong inalis sa trabaho.

Sinabi ni Roque na malinaw ang paninindigan ni Pangulong Duterte na walang exempted sa batas.

Kahit pa umano kamag-anak ng Pangulo ay kailangang humarap sa paglilitis para matukoy kung lumabag o hindi sa batas.

“Proof that the Pre­sident does not care even if you are a relative, you breach the law, you will be prosecuted and punished for your acts,” ani Roque.

Matatandaang noong Disyembre 2017, ay kasama sa sinibak ng Pangulo sa Presidential Commi­ssion for the Urban Poor (PCUP) si Dr. Melissa Avanceña Ardanas na pinsan ng kanyang partner na si Honeylet Avanceña.

Noong 2016 presidential elections tinabla ni Durano si Duterte dahil pinili nitong suportahan ang kandidatura noon ni Senador Grace Poe imbes na ang kandidatura ng kanyang pinsan.