Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte: Face-to-face class sa Agosto na lang

0 117

POSIBLENG sa Agosto pa masisimulan ang face-to-face class sa bansa dahil ayaw pa ni Pangulong Rodrigo Duterte na malagay sa panganib ang buhay ng mga estudyante at mga guro.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos makausap ang Pangulo nitong Linggo ng gabi sa pamamagitan ng telepono.

Sinabi aniya ng Pangulo na hangga’t wala pang nababakunahan sa bansa ay hindi ilalarga ang face-to-face class.

“Nagdedisyon na ang Presidente, wala pa rin po tayong face-to-face class sa bansa. Ang sabi niya, ayaw niyang malagay sa panganib o ala­nganin ang buhay ng mga mag-aaral at mga guro habang wala pang nababakunahan sa bansa,” ani Roque.

Sakali aniyang magkaroon ng face-to-face class pagkatapos ng programa sa bakuna ay uunahin ang mga lugar na mababa ang COVID cases sa buwan ng Agosto.

“Sabi niya, may awa po ang Panginoon, baka naman pagkatapos nating mailunsad ang ating vaccination program ay pupuwede na tayong mag-face-to-face sa Agosto no, lalong-lalo na doon sa mga lugar na mababa ang COVID cases,” dagdag ni Roque.

Matatandaang inihayag ni Department of Education Sec. Leonor Briones na tanging ang Pilipinas na lamang ang bansa sa Asya na hindi pa nagbubukas ng face-to-face class matapos ipatupad ang lockdown noong March 2020.

Naudlot din ang pilot test sana ng face-to-face class nitong Enero dahil sa lumitaw na COVID variant sa bansa. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.