Una sa Balita

Duterte: Diwa ng EDSA buhayin, politika isantabi

0 544

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na ­panatilihin ang diwa ng EDSA People Power ­Revolution.

Sa kanyang mensahe sa ­ika-34th ­anniversary ng EDSA People ­Power ­Revolution, sinabi ng ­Pangulo na dapat gawing inspirasyon ang ­nakamit na ­kalayaan noong ­Pebrero 1986 at ­isaisantabi ang hindi ­pagkakaintindihan sa politika para ­sama-samang ­ipagdiwang ang ­paggunita sa ­mapayapang ­rebolusyon na nagpatalsik sa diktadurya.

“Inspired by the freedoms that we secured in February 1986, let us all ride above our petty political differences so that we may, together, ensure that the legacy of EDSA will remain relevant in the years ahead,” bahagi ng mensahe ng Pangulo.

Sinabi pa ni Pangulong Duterte na nakikiisa siya sa mga bayani ng EDSA sa paggunita sa pinakamayapang ­rebolusyon na naitala sa kasaysayan, kasabay ang paghimok sa bagong ­henerasyon na gawing inspirasyon ang diwa ng EDSA People Power ­Revolution para protektahan at idepensa ang ­kalayaang nakamit ng mga Pilipino.

“I therefore join the valiant heroes of EDSA and the countless others whose lives were touched by this bloodless uprising in commemorating its 34th anniversary with renewed hope that the succeeding generations of Filipinos will also have courage, strength and determination to protect, defend, and preserve the liberties that we have won during that historic revolution,” dagdag pa ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na hindi maitatangging ang EDSA People Power Revolution ang isa sa ­pinakamahalagang pangyayari na nakaukit na sa ­kasaysayan ng Pilipinas. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More