Una sa Balita

Duterte dismayado sa PNP

0 427

DISMAYADO si Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) dahil sa mga kontrobersiyang kinasangkutan ng mga opisyal at tauhan ng mga ito.

Sinabi Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi itinago ng Pangulo ang ma­tinding pagkadismaya sa ipinatawag na joint Command Conference ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) noong Martes nang gabi sa Malacañang kung saan ibinulalas nito ang saloobin sa bumabalot na kontrobersiya sa ilang miyembro ng pulisya, partikular sa isyu ng ‘ninja cops’.

Hindi natutuwa ang Presidente sa mainit na kontrobersiya sa ‘ninja cops’ dahil dinagdagan na aniya ang sahod ng mga pulis pero nagagawa pa ring gumawa ng kalokohan ang ilan sa mga ito lalo na sa isyu ng iligal na droga na isa sa mga pangunahing kampanya nito.

“He just expressed disappointment, iyon lang ang mako-confirm ko, the rest hindi ko na ma-confirm. Expressed disappointment over certain—iyon nga iyong incident on the ninja cops. Sabi niya dinagdagan niya na nga ang suweldo, dinoble na, pero parang hindi pa rin… iyon, nangyari pa rin iyon. So he expressed disappointment with that,” ani Panelo.

Wala aniyang nabanggit kung sino ang napipisil ng Presidente na ipalit kay resigned PNP chief Oscar Albayalde na nakatakdang magretiro sa Novermber 8.
Pansamantalang officer-in-charge ng PNP si Lt. Gen. Archie Gamboa. (Aileen Tali­ping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy