Una sa Balita

Duterte ‘di takot talikuran ng mga Katoliko

0 382

HINDI iniintindi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na mawalan ng gana ang kanyang mga Katolikong tagasuporta sa pagbanat sa Simbahan.

Kasunod ito ng panibagong banat ng Pa­ngulo matapos tawaging “silly” ang turo ng Simbahan sa Holy Trinity.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang hu­ling pahayag ng Pangulo ay paraan para yugyugin ang mga matagal nang sinimulang aksiyon at paniniwala.

Sa halip aniya na hubugin ang mga mananampalataya bilang maayos na mamamayan ay ginagawa ang mga ito na mga panatiko.

“The President puts to a test the validity of the religious rituals bordering to fanaticism as against the practice of genuine spirituality as taught by the different personifications of one God,” ani Panelo.

Sa halip aniya na magalit o ma-offend ang Simbahan at mga deboto, sinabi ni Panelo na dapat maluwag na tanggapin ito bilang proseso para mas lalo pang mapatatag ang pananampalataya ng mga naghahanap ng katotohanan.

Sinabi ni Panelo na ang intensiyon ng Presidente sa naging pahayag nito ay mailatag ang intellectual discussion para sa kaliwanagan ng mga mananampalataya. (Aileen Taliping)