Una sa Balita

Duterte dedma sa People Power anniv

0 361

HINDI dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ­anibersaryo ng People Power sa EDSA sa Pebrero 25.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador ­Panelo, nasa bahay lang ang Pangulo sa araw na gugunitain ang anibersaryo ng People Power.
“Wala akong narinig na a-attend siya unless merong schedule,” sabi ni Panelo.

Mula nang umupo sa Malacañang ay hindi pa dumadalo si Pangulong Duterte sa paggunita ng anibersaryo ng People Power sa EDSA na nagpatalsik sa puwesto kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More