Una sa Balita

Duterte ‘copycat’ ni Marcos? Foul ‘yan! – Koko

By
0 109

Umalma si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagkumpara kay Pangulong Rodrigo Duterte sa diktaduryang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Reaksyon ito ni Pimentel sa pahayag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na magkatugma at halos lumelevel si Duterte sa ‘authoritarian ideologies’ ni Marcos dahil sa mungkahi ng pangulo na ipagpaliban ang 2017 Barangay At SK elections sa pangalawang pagkakataon.

Ani Pimentel, napakalayo naman para ikumpara ang Pangulo kay Marcos dahil unang-una ay hindi naman ito diktador at kahit kailan ay hindi sila dinidiktahan ng Pangulo at wala umano silang nakita na anumang senyales na papunta sa authoritarian regime ang Duterte administration.

“Tumatawag ba sa amin o sa’akin yan? Hindi. Nagdidikta ba sa amin yan? Hindi. yung first few steps of an authoritarian regime, hindi pa niya ginagawa so how can we say na papunta tayo doon? Wala,” ayon pa kay Pimentel.

Dahil dito, tinuring ni Pimentel na pang-iinsulto umano ideolohiya ng kanilang partidong PDP-Laban ang paratang ni Pangilinan kasabay ng pagsasabing ang ideolohiya ng Pangulo ay siyang dalang idelohiya ng partido at malayong-malayo sa ideolohiya ng martial law o Marcosian ideology.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy