Una sa Balita

Duterte bumuga kay Trillanes, Alejano puro dakdak

By , ,
0 2,906

BINAKBAKAN ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sina Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano at Senador Antonio Trillanes IV na tinawag niyang maiingay ang bu­nganga pero mga wala namang nagawa.

Sinabi ng Pangulo na wala pa siyang nari­nig na magandang salita mula sa grupo ni Alejano kundi puro may malisya at panghuhusga.

Matatandaang matapos hirangin ng Pangulo si Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro bilang punong mahistrado ng Korte Suprema ay agad na inihayag ng kampo ni Alejano na pabuya ito sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Ma­ria Lourdes Sereno.

“I have yet to hear those guys state something without malice. They always say the worse. People kagaya niya, judge best when they condemn. And they have nothing to show for their time there except to blabber their mouth,” pahayag ng Pangulo.

Isinama na rin ni Pangulong Duterte sa kanyang binakbakan si Trillanes matapos ang banat ng mambabatas na tamad diumano ang Punong Ehekutibo.

Nagpahayag ng pagtataka ang Pangulo na nakapasa anya si Trillanes sa Philippine Mi­litary Academy sa kabila ng karakter nito.

“And for Trillanes to survive PMA given his character, his mouth and his low IQ,” sabi pa ng Pangulo.

Kaugnay nito, hinamon ni Trillanes si Pa­ngulong Duterte na sabay silang sumalang sa IQ test.

“Just to settle the matter, I am challenging Duterte to an IQ test. Kahit plus 10 pa siya, ‘pag mas mataas score niya sakin, magre-resign ako sa pagka-senador,” sabi ni Trillanes. 

Iginiit ng senador na wala nang maisip na solusyon sa Pangulo sa mga problema sa bansa dahil sadyang mahina ang kanyang isipan.
“Siya nga itong wala nang maisip na solus­yon sa mga problema ng bayan kasi aminado siyang mahina ang kokote niya,” diin pa ng senador.