Una sa Balita

Duterte bumirit pagkatapos ng SONA

0 362

KAKAIBA ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil pagkatapos ng speech ay sumabak naman ang Chief Executive sa kantahan.

Inawit ni Pangulong Duterte ang paborito niyang “Ikaw” kung saan ang orchestra pa ang tumugtog.

Paglilinaw naman ng Malacañang, walang ba­yad at hindi gagastos ang gobyerno sa orchestra.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, na kauna-unahan ito sa kasaysayan ng SONA.

“Iyong orchestra lang malaking pagbabago iyon eh. Never nangyari sa history ng mga SONA sa bansa na mayroong orchestra, at talaga namang nag-volunteer agad sila, hindi sila magpapabayad,” ani Andanar.

Matatandaang sa mga nakalipas na SONA ay may pinipiling indibidwal o grupong kakanta ng pambansang awit bago magsimula ang SONA ng Presidente. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy