Una sa Balita

Duterte binastos ng Barretto sisters

0 1,498

MISTULANG nabastos si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni Miguel Barreto na ama ng magkakapatid ng Gretchen, Marjorie at Claudine sa Heritage Park, Taguig makaraang magkaroon ng gulo nang tangkain ng nito na pagbatiin ang magkakapatid.

Ayon sa lumabas na video sa Instagram ni Gretchen Barretto, makikita ang mga taong nakatalikod hanggang sa magkaroon ng gulo at marinig na lang sa background ang mga salitang: Awatin n’yo!, Suntukin n’yo ako?

Hindi malinaw sa naturang video kung ano ang tunay na naganap sa burol bagama’t ilang oras matapos ang nasabing riot video ay nabalitang isinugod sa Makati Medical Center si Claudine makaraang mahilo at magtamo ng mga galos sa katawan dulot ng nangyaring away na umano’y humantong sa sabunutan.

Kinumpirma ng ilang mga nagpunta sa burol na nagkagulo ang magkapatid na Marjorie at Claudine Barretto.

“Nagkagulo raw kasi sina Clau af Marj. Huwag na raw kaming pumunta dahil umalis na si Clau. Hinimatay nga raw si Mommy Inday (Barretto) at dadalhin yata sa hospital,” sabi ng isang ayaw na magpakilalang aktres. Pero kalaunan nalaman na si Claudine ang dinala sa ospital.

Bago pa mangyari ang riot ng magkakapatid na Barretto noong Miyerkoles ay nakita rin sa video ni Claudine ang pagda­ting ni Pangulong Duterte. Ilang sandali ay dumating si Gretchen na nakitang nakahawak-kamay sa Pangulo habang nakamasid ang ina ng makakapatid na si Inday.

Dito na tuluyang nagyakap ang mag-inang Inday at Gretchen na matagal na nagkaroon ng sama ng loob.

Ayon sa mga source, hinimok umano ng Pangulo si Gretchen at Marjorie na mag-shake hands kahit sa gabi lang na iyon bilang respeto sa kanilang namayapang ama.

Handa diumanong makipagkamay noon si Gretchen dahil aniya, siya ang matanda sa kanilang magkakapatid. Pero sa puntong ito ay hindi umanong pumayag si Marjorie at sinabihan ang kapatid na “plastic, porke nandito ang Presidente.”

“Marjorie was obviously mainit (fuming), you can see it in her body language,” ayon sa mga lumabas na ulat. “Si Gretchen kalmado lang,” dagdag pa nito.

Habang kausap umano ng Pangulo ang ibang miyembro ng pamilya, biglang lumapit ang isang apo ng mga Barretto at sinugod si Gretchen na nasa isang tabi at kausap ang ilang kaibigan. Mabilis na naawat si Greta na hindi nakaganti sa kanyang pamangkin.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagawang hilahin ni Gretchen ang buhok ng pamangkin hanggang sa mauwi na sabunutan. Umawat ang mga miyembro Presidential Security Group (PSG).

Ayon sa ilang insider, nasugatan sa mukha ang batang pamangkin. Humingi agad ng dispensa si Gretchen sa Pangulo dahil sa nagyari.

Sa kanyang Instagram post at nag-sorry din si Marjorie at nagpasalamat sa Pangulo dahil sa pagdamay sa kanilang pamilya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy