Una sa Balita

Duterte bilib sa integridad ng mga kababaihan

By
0 490

Nakiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa selebrasyon ng International Women’s Day.

Sa ipinalabas na pahayag ng Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sinusuportahan ng gobyerno ang karapatan ng mga kababaihan sa bansa taliwas sa bintang ng mga kritiko na galit ang Pangulo sa mga kababaihan.

Inisa-isa ni Pane­l­o ang mga patunay na pinapahalagahan ng Duterte administration ang kapakanan ng mga kababaihan gaya nang paglagda sa batas na nagpapahaba sa maternity leave ng mga babaeng manggagawa ng hanggang 105 araw, ang Telecommuting Law o Work From Home Law at ang pagsusulong ng family planning program para matiyak ang kalusugan ng ina at anak.

“As we observe International Women’s Day today, March 8, we pay tribute to Filipino women across sectors in our Society. The Duterte administration has been at the forefront in advancing women’s rights in the Philippines,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na sa kasalukuyang admi­nistrasyon tinanghal ang Pilipinas bilang “most gender equal nation in Asia” ng World Economic Forum at pangwalo sa listahan ng mga bansa sa buong mundo bilang “best countries in the world to be a woman”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More