Una sa Balita

Duterte ayaw sa keso de bola: Nakaka-LBM!

By
0 1

Halos tatlong buwan bago dumating ang Kapaskuhan ay nagparinig na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga opisyal ng gobyerno kaugnay sa mga regalong posibleng matanggap ng mga ito.

Kapag siya aniya ang pinapadalhan ng mga basket goodies na may kasamang keso ay ipinapasauli niya ito dahil hindi naman niya ito kailangan lalo na ang keso de bola dahil baka magtae pa siya dito.

Sinabi ng Pangulo na bahagi ng korapsiyon ang pagtanggap ng mga regalo mula sa mga milyonaryo at pribadong sektor kayat dapat na mag-isip-isip ang mga ito.

“During Christmas time ‘yang dini-distribute ng mga milyonaryo na basket with a wine, with a cheese, pinapasauli ko. Walang… Okay na ako sa cheddar cheese. Hindi ko na kailangan ‘yang malalaking de bola. Magtae ako niyan. And I cannot consume all of it actually,” ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Pinaalalahanan ng Presidente ang lahat ng mga nasa executive department na seryosohin ang kampanya kontra korapsiyon dahil hindi niya papayagan ito sa kanyang administrasyon.