Una sa Balita

Duterte ayaw na ng Martial Law sa Mindanao

0 376

TUTULDUKAN na ang umiiral na Martial Law sa Mindanao na naka­takdang magtapos sa huling araw ng 2019.

Inianunsiyo ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ng palawigin pa ang umiiral na batas militar sa buong isla ng Mindanao.

Ayon kay Panelo, ibinatay ng Pangulo ang desisyon sa naging assessment ng kanyang mga security at defense adviser na humihina na ang terrorist at ­extremist rebellion sa rehiyon matapos maaresto at mapatay ang mga lider ng mga ito.

Ikinunsidera rin sa assessment ang pagbaba ng crime index sa Mindanao.
“The Office of the President wishes to announce that President Rodrigo Roa Duterte will not extend martial law in Mindanao upon its expiration on December 31, 2019,” ani Panelo.

Kumpiyansa ang Palasyo na kayang panga­siwaan ng mga awtoridad ang kaayusan at kapayapaan sa Mindanao kahit hindi na palawigin ang Martial Law.

Sinabi ni Panelo na makakaasa ang mga taga-Mindanao na anumang pagtatangka ng karahasan o kaguluhan ay hindi papayagan ng mga puwersa ng gobyerno.

“The Palace is confident on the capability of our security forces in
maintaining the peace and security in Minda­nao without extending­ martial law. The people in Mindanao are assured that any incipient major threat in the region would be nipped in the bud,” dagdag pa ni Panelo. (Aileen ­Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More