Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte atras sa ASEAN face-to-face meeting

0 46

Hindi makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa mahalagang pulong ng Association of South East Asian Nation (ASEAN) Leaders meeting na itinakda sa Sabado, April 24 sa Jakarta, Indonesia.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kakatawan sa Pangulo sa nabanggit na mahalagang pulong.

Binigyang-diin ni Roque na nanatiling may pandemya at isinaalang-alang ang face-to-face sa mga ganitong mahalagang pulong.

“Ang Presidente po hindi personally mag-a-attend but I’m sure that our Department of Foreign Affairs will be there,” Ani Roque.

Sinabi ng kalihim na hindi lamang si Pangulong Duterte ang hindi dadalo sa ASEAN Leader’s summit kundi ang iba pang state leaders dahil sa isyu ng COVID-19.

“Ang pagkakaintindi ko po diyan, it’s the issue of face-to-face. Marami rin pong mga hindi makakarating na heads of states from ASEAN personally,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.