Una sa Balita

Duterte atat mag-Martial Law — Trillanes

By
0 14

Nahihirapan na umanong lusutan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang problema niya sa pulitika kaya’t kating-kati na itong magdeklara ng Martial Law sa buong bansa.

Ito ang sinabi kahapon ni Senador Antonio Trillanes IV kasunod nang naunang pahayag ni Duterte na mapipilitan siyang magdeklara ng Nationwide Martial Law kung dadalhin diumano ng mga rebeldeng komunista ang kanilang armas sa kalye.

“Itong si Duterte, kating-kati na ‘tong magdeklara ng Martial Law para malusutan niya ang problema niya sa pulitika,” pahayag ni Trillanes sa mga reporters noong Lunes bago lumipad patungong Singapore para i-discredit ang akusasyon ni Duterte na may accounts siya doon.

Isa umano sa isyung hirap na masagot ni Duterte ay ang pagkakadawit ng kanyang anak na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa pagpasok ng ilegal na droga bansa.

Kahit ang usapin ng bilyong bank accounts nito ay hindi rin umano maipaliwanag ng mabuti ni Duterte.

“Hindi niya masagot ang bilyong bank accounts at iyong involvement ni Paolo Duterte sa illegal drug shipment sa bansa kaya ang solution lang niya, mag-declare ng Martial Law,” sabi ni Trillanes.

“Hahanap ‘yan ng dahilan kaya kailangang maging vigilant tayo. Huwag payagan na patayin nila ang ating demokrasya parang maka-survive sila sa poder ng kapangyarihan,” dagdag pa nito.