Una sa Balita

Duterte at Martin duet ng ‘Ikaw’

Humamig ng sigawan,palakpakan

By
0 2,077

Nagkaroon ng event noong Thursday night sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Philippine Plaza Manila na tinawag nilang Salu-salo Kasama ang Ating Mahal na Pangulo.

Si Representative Lord Velasco at ang misis niyang si Wen ang nag-imbita para sa parang post birthday celebration na ‘yon para kay President Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Ang ilan sa celebrities na naimbitahan doon ay sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Jed Madela at Lani Misalucha.

After daw ng second song ni Martin, nakipag-duet sa Concert King si Pres. Digong ng kantang Ikaw. At nasundan pa raw ‘yon ng isa pa.

Kuwento ng ilang mga nasa party na ‘yon, sobrang tuwang-tuwa raw ang mga bisita sa duet na ‘yon ni Pres. Digong at ni Martin. Palakpakan daw ang mga tao sa loob ng Harbor Garden Tent sa pagdu-duet na ‘yon nina Pres. Duterte at Martin.

Dinaluhan daw ng maraming mga pulitiko at society people ang event na ‘yon at isa sa mga nakita ng nagkuwento sa akin ay ang former First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

Jak binantayan ang nanay ni Barbie sa ospital

Dahil sa hindi matigil na pag-e-LBM, pinasok sa hospital ang nanay ni Barbie Forteza, si Mommy Amy, ilang araw pagkagaling nila sa bakasyon sa Coron, Palawan.

Pero kahapon naman, okey na rin si Mommy Amy at na-discharged na. Siyempre, ang boyfriend ni Barbie, si Jak Roberto, ang isa sa mga dumalaw kay Mommy Amy sa hospital.

Natawa nga si Mommy Amy dahil sobrang nag-alala raw para sa kanya ang boyfriend ni Barbie.

“Si Barbie kasi, relax lang. Hindi naman siya ‘yung tipong natataranta dahil sa nangyari sa akin. Si Jak ‘yung mas kinabahan. Masyadong nag-worry si Jak for me. Alam mo naman ang batang ‘yon, masyadong maalalahanin. Mabait talaga,” ang papuri ng nanay ni Barbie sa kanyang future son-in-law.

Hindi naman inililihim ng pamilya ni Barbie kung gaano kalapit sa kanila ang boyfriend ng anak.

Samantala, kung noon ay naintriga si Mommy Amy dahil lumabas na parang hindi siya pabor sa partnership ng anak kay Ken Chan, ngayon naman na kay Derrick Monasterio ipinapareha si Barbie ay mukhang wala namang problema kay Mommy Amy.

Suportado nga raw ni Mommy Amy ang pelikula nina Barbie at Derrick, ang Almost A Love Story, at ang nalalapit na primetime series ng dalawa sa GMA 7, ang Inday Will Always Love You.

Regine, Julie, Christian sa Dagupan

Naging good daw ang start sa Cebu ng GMA 7 concert series na 3 Stars, 1 Heart nina Regine Velasquez Alcasid, Christian Bautista at Julie Anne San Jose, kaya sa April 14 ay masusundan kaagad ‘yon sa CSI Stadia sa Dagupan City, Panga­sinan.

At katulad ng Cebu concert nila, inaasahang dudumugin ng Kapuso fans ang concert na ‘yon.

Maganda ang feedback ng 3 Stars, 1 Heart Cebu concert, kaya naman very proud ang mga taga-GMA 7 sa proyekto nilang ‘yon na lilibutin pala ang buong Pilipinas.

Sa June 16 nga pala, sa Dubai, United Arab Emirates naman magsu-show ang tatlo.