Una sa Balita

Duterte at ex-wife nagpakilig sa 12M netizen

By
0 3,540

MAY 12 milyong netizen ang kinilig sa ipinost na video at litrato sa Facebook kung saan mapapanood na isina­yaw ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang kanyang ex-wife na si Elizabeth Zimmerman sa pagdiriwang ng ika-70 kaa­rawan nito sa Davao City, Sabado ng gabi.

Nabatid na dumalo sa birthday celebration ni Zimmerman si Pangulong Duterte kasama ang kanyang mga anak at kaibigan.

Ang video ay ipinost sa FB ni Davao City Information Officer Jefry Tupas at humamig nang mahi­git 12 milyong likes.

Sa kanyang mensahe kay Zimmerman, ipi­nagmalaki ni Duterte na kung siya ay bibigyan muli ng oportunidad ay pakakasalan ulit niya ito.

“Given another chance, another life, I would still marry Elizabeth. Because that is love,” ayon sa Pangulo.
Kinantahan pa ni Pangulong Duterte ng ‘Ikaw’ ang dating misis at hinalikan.

Si Zimmerman ang ina ng kanyang tatlong anak na sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, dating Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte, at Sebastian.