Una sa Balita

Duterte 3 araw sa Japan

0 365

BUMIYAHE kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Japan para dumalo sa pagbaba sa trono ng Emperor ng Japan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na tatlong aktibidad ang dadaluhan ng Pa­ngulo sa Japan na tatagal ng tatlong araw.

“Ang alam ko a-attend siya ng enthronement proper and then we have the Emperor’s banquet and the Prime Minister’s banquet. Yung tatlong yon,” ani Panelo.

Nakatakda rin aniyang bumalik ng bansa ang Pangulo sa Huwebes.

Sinabi ni Panelo na maliit lamang ang kasamang delegasyon ni Pangulong Duterte subalit hindi naman binanggit kung sino-sino ang mga ito.

Ito ang ika-apat na biyahe ni Pangulong Duterte sa Japan. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy