Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Duterte 24/7 nagtatrabaho- Go

0 465

Sinagot ng dating chief aide ni Pangulong Rodrigo Duterte at ngayon ay senador Bong Go ang trending sa social media na #NasaanAngPangulo sa kasagsagan ng pananalasa ng bagtong Rolly.

Sinabi ni Go sa Laging Handa press briefing na kahit nasa Mindanao si Pangulong Duterte ay nagtatrabaho ito 24/7 at halos hindi na natutulog.

“Hindi ibig sabihin nasa Mindanao ang Pangulo ay hindi ito nagtatrabaho. 24/7 po nagtatrabaho ang ating Pangulo at sinisigurado na laging handa ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na magbigay kaagad ng immediate assistance sa mga lugar na maapektuhan ng bagyo at dapat parati tayong handa,” ani Go.

Kung hindi man aniya nakita si Pangulong Duterte nitong araw ng Linggo kung saan nasa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Rolly ay hindi ibig sabihinna wala itong ginagawa.

Sa halip na bumatikos, pinagsabihan ni Go ang mga kritiko na tumulong na lamang sa mga nabiktima ng bagyo para magkaroon sila ng kabuluhan sa lipunan.

Hayaan na lang natin yung ibang bumabatikos, tumulong na lang kayo,” dagdag ni Go.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.