Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dustin Diamond pumanaw na

0 473

Pumanaw na ang Hollywood comedian na si Dustin Diamond dahil sa lung cancer. He was 44.

Nakilala si Dustin sa pagganap nito bilang si Screech sa ‘80s sitcom na Saved By The Bell.

Last month ay nabalitang nagpagamot si Dustin sa isang ospital sa Florida dahil na diagnosed ito with stage 4 lung cancer.

Born on Jan. 7, 1977, in San Jose, California, Dustin Neil Diamond attended Zion Lutheran School in Anaheim. His folks worked in the computer industry. He was 11 years old noong talunin niya ang 5,000 na nag-audition para sa role na Screech in 1988.

Maraming pinagdaanan na pagsubok si Dustin sa kanyang transition mula sa pagiging child actor. Isa na rito ay ang mag-file siya for bankruptcy in 2001 dahil ginastos ng kanyang magulang ang mga perang kinita niya sa paglabas sa Saved By The Bell for 13 years.

In 2006, nakita si Dustin na nagbebenta ng T-shirts for $15 each para maisalba niya sa foreclosure and kanyang bahay sa Port Washington, Wisconsin. Gumawa rin siya ng sex tape para pagkakitaan titled Saved By The Smell.

In 2015, nakulong for three months si Dustin for disorderly conduct pagkatapos niyang saksakin ng switchblade ang isang lalake sa isang bar dahil sa isang babae.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Dustin ay ang Made (2001), Pauly Shore Is Dead (2003), Dickie Roberts: Former Child Star (2003), Tetherball: The Movie (2010), All Wifed Out (2012) and College Fright Night (2014) and executive produced a 2014 Lifetime telefilm, The Unauthorized Saved by the Bell Story. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.