Una sa Balita

Durugistang barangay off’ls tagilid na

By
0 2

Nahaharap ngayon sa balag ng alanganin ang mala­king porsiyento ng mga nakaupong barangay officials sa 569 na barangay sa Bulacan dahil sa na­pi­­pintong mandatory drug test ni President-elect Rodrigo Duterte sa sandaling pormal na itong maupo sa Hulyo 1, sa mga incumbent Barangay Captain, Kagawad at mga tanod bago pa man sumapit ang Barangay elections sa Oktubre.

Nakumpirma ng Abante na maraming barangay officials ang nalululong sa droga at protektor din ng mga nagkalat na drug addict at shabu pusher partikular sa munisipalidad ng Bocaue at mismong sa Barangay Caingin, na mistulang ‘legal’ ang bentahan at paggamit ng shabu o droga at kinaroroonan ng mga untouchable shabu tiangge ngunit hindi ito mabuwag ng mga nakaupong opisyal ng barangay.

Lumilitaw na ang isasagawang drug test ay mahigpit na ipatutupad sa pagpasok ng bagong administrasyon at sa dugo kukunin ang testing kaya posibleng maraming re-eleksiyunistang barangay official ang hindi na muling makakatakbo sa darating na barangay elections dahil sa inaasahang kakaharaping mga kaso ng mga ito.