Una sa Balita

Durham pumutok sa Bolts

By
0 3

Games ngayon: (MOA Arena)
3:00 p.m. — Blackwater vs. NLEX
5:15 p.m. — Ginebra vs. GlobalPort

Bumoltahe si balik-import Allen Durham ng all-around game 32 points, 22 rebounds, 5 assists, steal at blockshot upang galamayin ang Meralco sa pagligwak sa Phoenix, 108-103, sa historic game na nagtampok sa pagpito ni female refe­ree Janine Nicandro sa pagsambulat kagabi ng Oppo PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

“I’m happy to be here as your first customer. Good start for us today, very good start actually,” bulalas ni Meralco coach Norman Black. “Durham is a thoroughbreed he reminds me of Bobby Ray Parks, he’s a solid player, he has a great attitude.”

Abante Hiring – IT dep

Naglaho ang third quarter 15-point lead ng Bolts, 56-41, sa bukana ng nasabing yugto nang mahablot pa ng Fuel Masters ang manibela sa 55-56. Pero hindi nasustena ang angas.

Ito ang unang pagkakataon na gumamit ang pro league ng unang babaing reperi.

“May pressure at kinabahan. Pero sabi ko lang, kaya at kakayanin,” komento ni Nicandro, 23, tapos ng marketing sa Laguna State Polytechnic University at may tatlong taon nang nag-o-officiate na nagsimula sa PBA D-League.

Babalatan naman ng walang starting cente­r Greg Slaughter at hindi na kumuha ng Asian reinforcement na Barangay Ginebra San Miguel ang kampanyang eight-year title drought kontra GlobalPort sa Day 2 ngayon­ na tinawag na Petron Saturday Special sa MOA Arena sa Pasay City.

5:15 p.m. ang jumpball ng Ginebra na ipaparada si balik-import Paul Harris, na nasa pang-apat niyang tour-of-duty at nagbigay sa Talk ‘N Text (Tropang TNT na) ng 2011 Commissioner’s Cup crown.

Ang na-promote na coach na si John Edel Cardel na ang tatawag ng plays sa GlobalPort. Siya ang dating assistant coach ni Pido Jarencio na tinaas sa basketball operations head. Si returnee Domi­nique Sutton ang reinforcement ng Batang Pier kasama si Omar Krayem  ng Palestine.

Unang sumalang sa Air21 noong 2014 si Sutton.

Three o’clock ang banggaang Blackwater-­NLEX. Kakampay ng ­pwersa kina old face American Eric Dawson na unang lumaro sa Me­ralco noong 2013 at Palestinian Imad Qahwash ang Elite, habang mamanibela sa Road Warriors sina NBA journeyman Henry Walker at  Lebanese Rodrigue Akl.