Una sa Balita

Durham, Meralco pinatirik ang Dyip

0 287

IPINAMALAS ni Allen Durham kung bakit minsan itong tinanghal na Best Import matapos na bitbitin ang Meralco Bolts sa pagsiguro sa ikapitong panalo sa 92-74 pagwawagi kontra Columbian Dyip sa eliminasyon ng 2019 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Nagtala si Durham ng kabuuang 34 puntos, 14 rebounds at 5 assists upang pamunuan ang Bolts sa ikatlong sunod na panalo at ikatlong sunod din nitong Best Player of the Game at pagtuntong bilang ikatlong koponan na nakasiguro sa quarterfinals sa pagtatala ng kabuuang 7-2 panalo-talong record.

Ang panalo ay nagpapatag din sa Bolts para sa unang apat na silya na may dalawang beses tataluning insentibo.

“Well, my teammates find me in the right spots. They kept us playing a good ball game right now and that brings us to where we are right now. We are really focused right and we want to go to the finish line,” sabi ni Durham.

Ibinagsak ng Bolts ang 22-6 run sa unang­ yugto at hindi na pinalasap ng pagtikim sa kalamangan ang Dyip.

Itinala ng Meralco ang pinakamalaki nitong 18 puntos na abante sa 6:47 ng ikalawang yugto, 34-16, mula sa free throw ni Raymond Almazan upang itulak naman ang Dyip sa kabuuang 4-6 kartada.

Nagtala si Almazan ng 18 puntos at team high na 24 rebounds at 2 blocks.
“He is a blessing to us,” sabi lamang ni Meralco Bolts coach Norman Black kay Almazan. “He has already know our system and he is doing a great job for us,” sabi nito. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy