Una sa Balita

Durham, Bolts laban lang

By
0 293

Semis Game 4 ngayon: (Cuneta Astrodome)
6:30 pm – Alaska vs. Meralco

NASA pamilyar na sitwasyon na naman ang Meralco, nanganganib na masibak sa PBA Governors Cup semifinals pagkatapos ng 104-102 loss sa Alaska Huwebes ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Ganito rin ang nangyari sa Bolts noong eliminations, nanganganib nang masipa nang umpisahan ang torneo sa 1-6 bago tinuhog ang sumunod na apat na laro para humabol sa playoffs.

Dalawang do-or-die games pa ang dinaanan sa quarters bago inalpasan ang twice-to-beat Phoenix.

Ngayon ay naiiwan sa Aces 2-1, pipiliting isagad ang best-of-five sa pagbalik ng Game 4 sa Pasay venue.

“Do-or-die. We win or we go home,” suma ni Allen Durham, namuno sa Bolts sa kinamadang 37 points, 13 rebounds at 8 assists. “We’ve been in this position before. Now we just got to get the outcome that we want.”

Halimaw buong gabi si Durham, pero sa crunch ay kumabyos. Sablay ang drive niya sa dying se­conds, hindi rin pumasok ang tip-in niya mula sa mintis na layup ni Reynel Hugnatan.
“Obviously I missed the point-blank shot in the end,” dagdag ng two-time Best Import.
“Disappointing. But with that being said it’s not over. We got two more games. We’ll come out and be ready for Saturday.”

Nalamangan ang Meralco sa rebounds 49-37, 17-10 sa offensive end.

“We couldn’t get the offensive rebound when we needed it. Like three different possessions or something like that,” dagdag ni Durham. “We had an opportunity to get a headway in the game but we couldn’t do it. We couldn’t get the rebound. That hurt us.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy