Una sa Balita

Duremdes: Team owners, players namomroblema

0 1,515

Giniit ni Maharlika Pilipinas Basketball League Commissioner Kenneth Duremdes Huwebes na dapat ay parehas lumapit sa kanila ang mga team at mga player sa isyung kanilang kinakasangkutan nitong mga nakaraang linggo.

“Most of the time, it’s all text, verbal. Kaya sinasabi namin, you have to go to our office and file a complaint,” sabi ni Duremdes sa ABS-CBN. “Sulatan nila ang liga para ma-formalize kung sino ang concerned parties.”

Batid ng opisyal na ilan sa mga team tulad ng Bataan Risers at Bicol Volcanoes ay ‘di sinuswelduhan sa tamang oras ang kanilang mga player, kung saan tinukoy itong “mismanagement.”

“Ever since sinasabi namin sa players ‘yan, if you don’t have a contract, go to the commissioner’s office, that’s Number 1. Number 2, we’re telling the team owners to provide the uniform player’s contracts of their players to avoid such problems in the future,” saad niya.

Pinunto naman ng mga team owner na ilan sa mga player na kalahok sa ligang labas ay nagiging suliranin at ilan pa sa mga team ay ‘di nasisiyahan sa mga inaasal ng kanilang player, ayon kay Duremdes.

“So actually both ang may problema. Iyan ang tinitignan natin ngayon,” paliwanag ng komisyuner.

“May mga cases na tayong inayos at awa ng Diyos naayos natin. Talagang minsan both parties may problema, hindi siya one way. Magko-complain sila when they felt na tinanggal na sila ng team and too late for us to mediate. Pero ginagawa pa rin lahat para both parties magkasundo,” dagdag niya.

Inamin rin niya na marami sa mga team owner ay nahihirapan na patakbuhin ang kanilang mga koponan.

“Ang nag-formalize mga 4 players . . . Mga lumaro sa Bataan and Nueva Ecija. Ang players nila ni-release, ‘di nabayaran. Pero na-address naman natin,” wakas ni Duremdes. “It’s a new league so ‘yung iba bago sa mundo ng basketbol. Lahat bago sa ibang team owners, so pumapasok kami ‘pag tinawag na ang atensyon natin. “(JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy